Ruth 2:12
Ang Biblia (1978)
12 (A)Gantihin nawa ng Panginoon ang iyong gawa, at bigyan ka nawa ng lubos na ganting pala ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa (B)ilalim ng mga pakpak niyaong iyong kakanlungan.
Read full chapter
Mga Awit 36:7
Ang Biblia (1978)
7 (A)Napaka mahalaga ng iyong kagandahang-loob, Oh Dios!
At ang mga anak ng mga tao ay (B)nanganganlong sa ilalim ng iyong mga pakpak.
Mga Awit 57:1
Ang Biblia (1978)
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. (A)Awit ni David. Michtam; nang kaniyang takasan si Saul, sa yungib.
57 (B)Maawa ka sa akin, Oh Dios, maawa ka sa akin;
Sapagka't ang aking kaluluwa ay nanganganlong sa iyo.
Oo, sa (C)lilim ng iyong mga pakpak ay manganganlong ako,
(D)Hanggang sa makaraan ang mga kasakunaang ito.
Mga Awit 57:4
Ang Biblia (1978)
4 Ang aking kaluluwa ay nasa gitna ng mga leon:
Ako'y nahihiga sa gitna niyaong mga pinaningasan ng apoy,
Sa mga anak ng tao, na ang mga ngipin ay sibat at mga pana,
At ang kanilang dila ay (A)matalas na tabak.
Mateo 23:37
Ang Biblia (1978)
37 Oh Jerusalem, Jerusalem, (A)na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinusugo sa kaniya! makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ay ayaw kayo!
Read full chapter
Lucas 13:34
Ang Biblia (1978)
34 Oh Jerusalem, Jerusalem, (A)na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinugo sa kaniya! Makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang sariling mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, at ayaw kayo!
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978