Font Size
Pahayag 18:7-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Pahayag 18:7-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 Kung(A) paano siya nagmataas at nagpasasa sa kalayawan,
palasapin ninyo siya ng ganoon ding pahirap at kapighatian.
Sapagkat lagi niyang sinasabi,
‘Ako'y nakaluklok na isang reyna!
Hindi ako biyuda,
hindi ako magluluksa kailanman!’
8 Dahil dito, daragsa sa kanya ang mga salot sa loob ng isang araw:
sakit, dalamhati, at taggutom;
at tutupukin siya ng apoy.
Sapagkat makapangyarihan ang Panginoong Diyos na humahatol sa kanya.”