Mga Panaghoy 3:46-51
Ang Biblia (1978)
46 (A)Ibinukang maluwang ng lahat naming kaaway ang kanilang bibig laban sa amin.
47 Takot at ang hukay ay dumating sa amin, ang pagkasira at pagkagiba.
48 Ang mata ko'y dumadaloy ng mga (B)ilog ng tubig, dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan.
49 Ang mata ko'y dinadaluyan at hindi naglilikat, na walang pagitan.
50 Hanggang sa ang Panginoon ay tumungo, at tumingin mula sa langit.
51 Kinikilos ng aking mata ang aking kaluluwa, dahil sa lahat na anak na babae ng aking bayan.
Mga Panaghoy 4:16-17
Ang Biblia (1978)
16 Pinangalat sila ng galit ng Panginoon; sila'y hindi na niya lilingapin pa.
(A)Hindi nila iginagalang ang mga pagkatao ng mga saserdote, hindi nila pinakukundanganan ang mga matanda.
17 Ang aming mga mata ay nangangalumata dahil sa aming paghihintay (B)ng walang kabuluhang tulong:
Sa aming paghihintay ay nangaghihintay kami sa isang (C)bansa na hindi makapagligtas.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978