Add parallel Print Page Options

24 At sinabi ni Gedeon sa kanila, Hangad ko ang isang kahilingan sa inyo, na bigyan ako ng bawa't isa sa inyo ng mga hikaw na kaniyang samsam. (Sapagka't sila'y may mga gintong hikaw, dahil sa (A)sila'y mga Ismaelita.)

25 At sumagot sila, Ibibigay namin ng buong pagibig. At sila'y naglatag ng isang balabal, at inilagay roon ng bawa't isa ang mga hikaw na kaniyang samsam.

26 At ang timbang ng mga gintong hikaw na kaniyang hiniling, ay isang libo at pitong daang siklong ginto; bukod pa ang mga pahiyas na may anyong kalahating buwan, at ang mga hikaw at ang mga (B)damit na morado na suot ng mga hari sa Madian, at bukod pa ang mga (C)tanikala na nangasa leeg ng mga kamelyo.

27 At (D)ginawang epod ni Gedeon at inilagay sa kaniyang bayan, sa makatuwid baga'y sa (E)Ophra: at ang buong Israel ay naparoroon na sumasamba sa (F)kaniya roon: at siyang naging (G)ikinasilo ni Gedeon at ng kaniyang sangbahayan.

Read full chapter