Add parallel Print Page Options

21 At (A)sila'y nangakatayo, bawa't isa, sa kaniyang dako sa (B)palibot ng kampamento: at ang buong hukbo ay tumakbo; at sila'y sumigaw at pinatakas nila.

Read full chapter

At sinaktan niya sila, sa hita at sasapnan ng di kawasang pagpatay: at siya'y bumaba at tumahan sa isang (A)guwang ng bato ng Etam.

Read full chapter

15 At siya'y nakasumpong ng isang bagong panga ng asno, at iniunat ang kaniyang kamay, at kinuha, (A)at ipinanakit sa isang libong lalake.

Read full chapter

51 Nang magkagayo'y tumakbo si David, at tinunghan ang Filisteo, at kinuha ang kaniyang tabak, at binunot sa kaniyang kaluban, at pinatay siya, at (A)ipinagpugot ng kaniyang ulo. At nang makita ng mga Filisteo na ang kanilang bayani ay patay na, sila'y tumakas.

52 At nagsibangon ang mga lalake ng Israel at ng Juda, at humiyaw at hinabol ang mga Filisteo hanggang sa Gath, at sa mga pintuang-bayan ng (B)Ecron. At ang mga sugatan sa mga Filisteo ay nabuwal sa daang patungo sa (C)Saraim, hanggang sa Gath, at sa Ecron.

Read full chapter

Ang kaniyang pananagumpay laban sa Filisteo at Moab.

At pagkatapos (A)nito ay nangyari na sinaktan ni David ang mga Filisteo at mga pinasuko: at kinuha ni David ang Metheg-amma sa kamay ng mga Filisteo.

(B)At kaniyang sinaktan ang Moab, at sinukat niya sila ng tali, na pinahiga sila sa lupa; at kaniyang sinukat ng dalawang tali upang patayin, at ng isang buong tali upang buhayin. (C)At ang mga Moabita ay naging mga alipin ni David, (D)at nagsipagdala ng mga kaloob.

Sinaktan din ni David si (E)Hadadezer na anak ni Rehob, na hari sa (F)Soba, habang siya'y yumayaon upang bawiin ang kaniyang pamumuno sa Ilog.

At kinuha ni David sa kaniya ang isang libo at pitong daan na mangangabayo, at dalawang pung libo na naglalakad: at (G)pinilayan ni David ang lahat ng mga kabayo ng mga karo, nguni't sa mga yaon ay nagtaan ng sa isang daang karo.

(H)At nang sumaklolo ang mga taga Siria sa Damasco kay Hadadezer na hari sa Soba, ay sinaktan ni David sa mga taga Siria ang dalawang pu't dalawang libong tao.

Nang magkagayo'y naglagay si David ng mga (I)pulutong sa Siria sa (J)Damasco: at ang mga taga Siria ay nangaging mga alipin ni David, at nagsipagdala ng mga kaloob. At pinapagtagumpay ng Panginoon si David saan man siya pumaroon.

Read full chapter