Mga Gawa 11:22-26
Ang Biblia (1978)
22 At dumating ang balita tungkol sa kanila sa mga tainga ng iglesia na nasa Jerusalem: at kanilang sinugo si (A)Bernabe hanggang sa Antioquia:
23 Na, nang siya'y dumating, at makita ang biyaya ng Dios, ay nagalak; (B)at kaniyang inaralan ang lahat, na sa kapasiyahan ng puso ay magsipanatili sa Panginoon:
24 Sapagka't siya'y lalaking mabuti, at puspos ng Espiritu Santo at ng pananampalataya: at maraming tao ang nangaparagdag sa Panginoon.
25 At siya'y naparoon sa (C)Tarso upang hanapin si Saulo;
26 At nang siya'y kaniyang masumpungan ay kaniyang dinala siya sa (D)Antioquia. At nangyari, na sa buong isang taon sila'y nakisama sa iglesia, at nagsipagturo sa maraming tao; at ang mga alagad ay pinasimulang tawaging mga (E)Cristiano, sa Antioquia.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978