Mga Gawa 10:28
Ang Biblia (1978)
28 At sinabi niya sa kanila, Nalalaman ninyo na hindi matuwid sa isang taong Judio na (A)makisama lumapit sa isang taga ibang bansa; at gayon ma'y ipinakilala (B)sa akin ng Dios, na sinomang tao'y huwag kong tawaging marumi o karumaldumal:
Read full chapter
Mga Gawa 11:3
Ang Biblia (1978)
3 Na nagsisipagsabi, (A)Nakisalamuha ka sa mga taong hindi tuli, at kumain kang kasalo nila.
Read full chapter
Mga Gawa 15:28-29
Ang Biblia (1978)
28 Sapagka't minagaling ng Espiritu Santo, at namin, na huwag kayong atangan ng lalong mabigat na pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan:
29 Na kayo'y magsiilag sa mga (A)bagay na inihain sa mga diosdiosan, at (B)sa dugo, at sa mga binigti, at sa pakikiapid; kung kayo'y mangilag sa mga bagay na ito, ay ikabubuti ninyo. Paalam na sa inyo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978