Mga Bilang 6:2
Ang Biblia (1978)
2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, (A)Pagka ang sinomang lalake o babae ay gagawa ng isang tanging panata, ng panata ng isang Nazareo, upang tumalaga sa Panginoon:
Read full chapter
Mga Hukom 11:30-31
Ang Biblia (1978)
30 At nagpanata si Jephte ng isang (A)panata sa Panginoon, at nagsabi, Kung tunay na iyong ibibigay ang mga anak ni Ammon sa aking kamay,
31 Ay mangyayari nga, na sinomang lumabas na sumalubong sa akin sa mga pintuan ng aking bahay, pagbalik kong payapa na galing sa mga anak ni Ammon, ay (B)magiging sa Panginoon, (C)at aking ihahandog na pinakahandog na susunugin.
Read full chapter
Mga Hukom 11:39
Ang Biblia (1978)
39 At nangyari, sa katapusan ng dalawang buwan, na siya'y (A)nagbalik sa kaniyang ama, na ginawa sa kaniya ang ayon sa kaniyang panata na kaniyang ipinanata: at siya'y hindi nasipingan ng lalake. At naging kaugalian sa Israel,
Read full chapter
1 Samuel 1:11
Ang Biblia (1978)
11 (A)At siya'y nanata ng isang panata, at nagsabi, Oh Panginoon ng mga hukbo, (B)kung tunay na iyong lilingunin ang pagkapighati ng iyong lingkod, at (C)aalalahanin mo at hindi mo kalilimutan ang iyong lingkod, kundi iyong pagkakalooban ang iyong lingkod ng anak na lalake, ay akin ngang ibibigay sa Panginoon sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay, at (D)walang pangahit na daraan sa kaniyang ulo.
Read full chapter
1 Samuel 1:28
Ang Biblia (1978)
28 Kaya't aking ipinagkakaloob naman sa Panginoon habang siya'y nabubuhay ay ipinagkakaloob ko siya sa Panginoon. At siya ay sumamba sa Panginoon doon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978