Add parallel Print Page Options

Kaya't ang utos ni Yahweh tungkol sa mga anak ni Zelofehad ay malaya silang mag-asawa sa sinumang gusto nila, ngunit huwag lamang lalabas sa lipi ng kanilang ama. Ang bahagi ng alinmang lipi ay hindi maaaring ilipat sa ibang lipi, iyon ay pananatilihin sa lipi ng kanilang ama. Ang babaing may namana sa kanyang ama ay kailangang kumuha ng mapapangasawa mula rin sa lipi nito, upang hindi malipat sa ibang lipi ang kaparte ng kanilang ama. Ang kaparte ng alinmang lipi ay hindi maaaring ilipat sa ibang lipi; pananatilihin ng bawat lipi ang kani-kanilang kaparte.”

Read full chapter

10 sinabi ni Rafael sa kasama, “Kapatid na Tobias!”

“Ano iyon?” tugon naman nito. Patuloy na nagsalita si Rafael, “Mamayang gabi, doon tayo matutulog kina Raguel na kamag-anak mo. May anak siyang dalaga na ang pangala'y Sara. 11 Si Sara ay kaisa-isang anak at ang kanyang ama ay walang tagapagmana. Imumungkahi kong siya'y ipakasal sa iyo. Ikaw ang may karapatang mapangasawa niya sapagkat ikaw ang pinakamalapit na kamag-anak. Ikaw rin ang may karapatang magmana ng lahat ng kayamanan ng kanyang ama. 12 Si Sara ay matalino, buo ang loob at maganda; mabuting tao rin ang kanyang ama. Mamayang gabi'y kakausapin ko ang kanyang ama. Hihilingin kong ipakasal sa iyo ang kanyang anak. Pagbalik natin mula sa Rages, maghahanda tayo ng malaking salu-salo. Hindi ka bibiguin ni Raguel, sapagkat alam niyang kung hindi ikaw, na siyang may karapatan, ang mapapangasawa ng kanyang anak, pananagutan niya ito ayon sa Kautusan ni Moises. Kaya, sundin mo ako, kapatid. Mamayang gabi'y magkasama tayong mamamanhikan sa kanila. Pag-uwi natin sa Rages isasama na natin siya.”

Read full chapter