Mga Awit 94:1
Ang Biblia (1978)
Tinawagan ang Panginoon upang ipaghiganti ang kaniyang bayan.
94 Oh Panginoon, ikaw na (A)Dios na kinauukulan ng panghihiganti,
Ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, sumilang ka.
Isaias 1:24
Ang Biblia (1978)
24 Kaya't sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, ng Makapangyarihan ng Israel, Ah kukuhang sulit ako sa aking mga kaalit, at manghihiganti ako sa aking mga kaaway.
Read full chapter
Isaias 59:18
Ang Biblia (1978)
18 Ayon sa kanilang mga gawa, ay gayon (A)niya gagantihin, pusok ng loob sa kaniyang mga kaaway, kagantihan sa kaniyang mga kaalit; sa mga (B)pulo ay gaganti siya ng kagantihan.
Read full chapter
Roma 12:19
Ang Biblia (1978)
19 Huwag kayong (A)mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, (B)Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.
Read full chapter
Mga Hebreo 10:30
Ang Biblia (1978)
30 Sapagka't ating nakikilala yaong nagsabi, (A)Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti. At muli, Huhukuman (B)ng Panginoon ang kaniyang bayan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978