Mateo 27:22-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
22 Sinabi sa kanila ni Pilato, “Kung gayon, ano ang gagawin ko kay Jesus, na tinatawag na Cristo?”
At sumagot ang lahat, “Ipako siya sa krus!”
23 “Bakit? Ano ang nagawa niyang masama?” tanong ni Pilato.
Ngunit lalo pang lumakas ang kanilang sigawan, “Ipako siya sa krus!”
Read full chapter
Marcos 15:13-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
13 “Ipako siya sa krus!” sigaw ng mga tao.
14 “Bakit, ano ba ang kasalanan niya?” tanong ni Pilato. Ngunit lalo pang sumigaw ang mga tao, “Ipako siya sa krus!”
Read full chapter
Lucas 23:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
21 ngunit sumigaw ang mga tao, “Ipako siya sa krus! Ipako siya sa krus!”
22 Ikatlong ulit na sinabi sa kanila ni Pilato, “Bakit, ano ba ang ginawa niyang masama? Wala akong makitang dahilan upang siya'y hatulan ng kamatayan. Kaya't ipahahagupit ko siya at pagkatapos ay palalayain.”
23 Ngunit lalo nilang ipinagsigawan na si Jesus ay dapat ipako sa krus. Nanaig ang kanilang sigaw
Read full chapter
Juan 19:15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
15 Sumigaw sila, “Patayin siya! Patayin! Ipako sa krus!”
“Ipapako ko ba sa krus ang inyong hari?” tanong naman ni Pilato. Sumagot ang mga punong pari, “Wala kaming hari kundi ang Emperador!”
Read full chapter