Add parallel Print Page Options

15 Walang(A) taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng banga. Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. 16 Gayundin(B) naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”

Katuruan tungkol sa Kautusan

17 “Huwag ninyong akalaing naparito ako upang ipawalang-bisa ang Kautusan at ang mga Propeta.[a] Naparito ako hindi upang ipawalang-bisa ang mga iyon kundi upang tuparin.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 5:17 KAUTUSAN AT ANG MGA PROPETA: Ang mga ito ay tumutukoy sa mga aklat ng Lumang Tipan.

15 Hindi nagsisindi ng ilawan ang mga tao at ilalagay lamang sa ilalim ng isang takalan. Sa halip, ilalagay ito sa ibabaw ng isang patungan, nang sa gayo'y magbigay liwanag ito sa lahat ng nasa bahay. 16 Sa gayunding paraan ay paliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa harap ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit.

Ang Turo tungkol sa Kautusan

17 “Huwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang-saysay ang Kautusan o ang sinulat ng mga propeta. Naparito ako hindi upang ipawalang-saysay kundi isakatuparan ang mga ito.

Read full chapter