Add parallel Print Page Options

Babala Laban sa mga Tagapagturo ng Kautusan(A)

38 Sinabi niya habang siya'y nagtuturo, “Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan! Mahilig silang maglakad-lakad na suot ang mahahabang damit, at gustung-gusto nilang pagpugayan sila sa mga pamilihan. 39 Mahilig din silang maupo sa mga pangunahing upuan sa mga sinagoga, at mga upuang pandangal sa mga handaan.

Read full chapter

43 Kaysaklap ng sasapitin ninyong mga Fariseo! Sapagkat ang gusto ninyo ay ang mga upuang pandangal sa mga sinagoga at ang mabigyang-pugay sa mga pamilihan.

Read full chapter

46 Kaya't sinabi niya, “Kaysaklap ng sasapitin ninyong mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat pinahihirapan ninyo ang mga tao sa mga pasaning mahirap dalhin subalit ni daliri man lamang ninyo ay hindi iginagalaw upang sila'y tulungan.

Read full chapter

Ang Babala tungkol sa mga Tagapagturo ng Kautusan(A)

45 Habang nakikinig ang lahat ay sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, 46 “Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan na mahilig maglakad na suot ang mahabang damit at gustung-gusto nilang pagpugayan sila sa mga pamilihan. Gustung-gusto rin nila ang mga pangunahing upuan sa sinagoga at mga upuang pandangal sa mga piging.

Read full chapter