Add parallel Print Page Options

42 Kaysaklap ng sasapitin ninyong mga Fariseo! Sapagkat naglalaan kayo para sa Diyos ng ikasampung bahagi ng yerbabuena, ruda, at ng iba pang halamang pagkain ngunit binabalewala ninyo ang katarungan at pag-ibig ng Diyos. Dapat nga kayong maglaan ng ikasampu subalit huwag ninyong kaligtaan ang katarungan at pag-ibig ng Diyos. 43 Kaysaklap ng sasapitin ninyong mga Fariseo! Sapagkat ang gusto ninyo ay ang mga upuang pandangal sa mga sinagoga at ang mabigyang-pugay sa mga pamilihan. 44 Kaysaklap ng sasapitin ninyo sapagkat para kayong mga libingang walang tanda kaya't nalalakaran ng mga tao nang hindi nila nalalaman!”

Read full chapter