Add parallel Print Page Options

Alam ng Diyos ang Ating Sinasabi

Ang Karunungan ay diwang magaan ang loob sa lahat,
ngunit hindi niya mapapayagang lapastanganin ang Diyos.
Sapagkat alam ng Diyos ang ating mga damdamin at isipan,
at naririnig niya ang lahat ng sinasabi natin.
Ang Espiritu[a] ng Panginoon ay laganap sa buong sanlibutan,
at siya ang nagpapanatili sa lahat ng bagay,
kaya alam niya ang bawat katagang sinasalita ng bawat nilalang.
Walang makakapagsabi ng di matuwid na di mapapansin ng Panginoon.
Batay sa katarungan, lalapatan ito ng angkop na parusa.
Ang mga binabalak ng mga walang takot sa Diyos ay isa-isang sisiyasatin.
Ang bawat sinasabi nila'y makakarating sa kaalaman ng Panginoon,
at tatanggap sila ng parusang angkop sa kanilang masasamang gawa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 7 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .