Job 28:15-19
Ang Biblia (1978)
15 (A)Hindi mabibili ng ginto,
Ni matitimbangan man ng pilak ang halaga niyaon.
16 Hindi mahahalagahan ng (B)ginto sa Ophir,
Ng mahalagang onix, o ng zafiro.
17 Ginto at salamin ay hindi maihahalintulad doon:
Ni maipagpapalit man sa mga hiyas na dalisay na ginto.
18 Hindi mabibilang ang coral o ang cristal;
Oo, ang halaga ng karunungan ay higit sa mga (C)rubi.
19 Ang topacio sa Etiopia ay hindi maipapantay doon,
Ni mahahalagahan man ng dalisay na ginto.
Mga Awit 119:72
Ang Biblia (1978)
72 Ang kautusan ng iyong bibig ay (A)lalong mabuti sa akin
Kay sa libong ginto at pilak.
Mga Awit 119:127
Ang Biblia (1978)
127 (A)Kaya't aking iniibig ang mga utos mo
Ng higit sa ginto, oo, higit sa dalisay na ginto.
Mga Kawikaan 4:5
Ang Biblia (1978)
5 (A)Magtamo ka ng karunungan, magtamo ka ng kaunawaan;
Huwag mong kalimutan, ni humiwalay man sa mga salita ng aking bibig:
Mga Kawikaan 4:7
Ang Biblia (1978)
7 Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kaya't kunin mo ang karunungan:
Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa.
Mga Kawikaan 16:16
Ang Biblia (1978)
16 (A)Pagkaigi nga na magtamo ng karunungan kay sa ginto!
Oo, magtamo ng kaunawaan ay maigi kay sa pumili ng pilak.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978