Jeremias 16:9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
9 Ako(A) si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel. Pakinggan mo ang aking sasabihin: Sasalantain ko ang lugar na ito. Hindi na maririnig pa ang mga himig ng kagalakan at katuwaan. Hindi na maririnig ang masasayang tinig ng mga ikakasal. Ang kaganapan ng mga bagay na ito'y masasaksihan ng mga narito.
Read full chapter
Jeremias 25:10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
10 Patatahimikin(A) ko ang himig ng kagalakan at katuwaan. Hindi na rin maririnig ang masasayang tinig ng mga ikakasal. Hindi na maririnig ang ingay ng gilingan. At maglalaho rin ang liwanag ng mga ilawan.
Read full chapter
Baruc 2:23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
23 papatigilin ko ang lahat ng pagdiriwang at kasayahan sa mga lunsod ng Juda at sa Jerusalem. Pati ang pagdiriwang ng mga kasalan ay di na maririnig sa buong lupain. Ito ay masasalanta at hindi na titirhan ninuman.’
Read full chapter
Pahayag 18:23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
23 Wala nang kahit isang ilaw na magliliwanag sa kanya. Hindi na maririnig ang masasayang tinig ng mga ikinakasal. Sapagkat naging makapangyarihan sa buong daigdig ang kanyang mangangalakal at dinaya niya ang lahat ng bansa sa pamamagitan ng pangkukulam.”
Read full chapter