Isaias 8:7-8
Ang Biblia (1978)
7 Ngayon nga, narito, iniaahon ng Panginoon sa kanila ang tubig ng Ilog, malakas at marami, sa makatuwid baga'y ang hari sa Asiria at ang buo niyang kaluwalhatian: at siya'y aahon sa lahat niyang bangbang, at aapaw sa buo niyang baybayin:
8 At magpapatuloy sa dako ng loob ng Juda; aapaw at lalampas; (A)aabot hanggang sa leeg; at ang laganap ng kaniyang mga pakpak ay siyang magpupuno ng kaluwangan ng iyong lupain, (B)Oh Emmanuel.
Read full chapter
Jeremias 47:2
Ang Biblia (1978)
2 Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, tubig ay (A)umaahon (B)mula sa hilagaan, at magiging baha, at aapawan ang lupain at ang lahat na nangaroon, ang bayan at ang nagsisitahan doon; at ang mga tao ay magsisihiyaw, at lahat ng mananahan sa lupain ay magsisitangis.
Read full chapter
Daniel 11:22
Ang Biblia (1978)
22 At sa pamamagitan ng pulutong na huhugos ay mapapalis sila sa harap niya, at mabubuwal; oo, pati ng prinsipe ng tipan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978