Font Size
Isaias 40:6-8
Ang Biblia, 2001
Isaias 40:6-8
Ang Biblia, 2001
6 Sinasabi(A) ng isang tinig, “Ikaw ay dumaing!”
At sinabi ko, “Ano ang aking idadaing?”
Lahat ng laman ay damo,
at lahat niyang kagandahan ay parang bulaklak ng parang.
7 Ang damo ay natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta,
kapag ang hininga ng Panginoon ay humihihip doon;
tunay na ang mga tao ay damo.
8 Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta;
ngunit ang salita ng ating Diyos ay mamamalagi magpakailanman.