Isaias 17:1-3
Magandang Balita Biblia
Paparusahan ng Diyos ang Damasco at ang Israel
17 Ganito(A) ang pahayag ni Yahweh tungkol sa Damasco:
“Mawawala ang Lunsod ng Damasco,
at magiging isang bunton na lamang ng mga gusaling gumuho.
2 Kailanma'y wala ng titira sa mga lunsod ng Siria.
Magiging pastulan na lamang siya
ng mga kawan ng mga tupa at baka at walang mananakot sa kanila.
3 Mawawasak ang mga tanggulan ng Efraim,
babagsak ang kaharian ng Damasco.
Matutulad sa sinapit ng Israel ang kapalarang sasapitin ng malalabi sa Siria.”
Ito ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.
Jeremias 49:23-27
Magandang Balita Biblia
Ang Hatol sa Damasco
23 Tungkol(A) sa Damasco, ito naman ang sabi ni Yahweh: “Nagugulo ang Hamat at ang Arpad, sapagkat nakarinig sila ng masamang balita. Hindi sila mapalagay dahil sa pag-aalala, sila'y tila nag-aalimpuyong dagat. 24 Natakot ang Damasco at tumakas; sinaklot siya ng pangamba, gaya ng pagdaramdam ng isang babaing manganganak. 25 Napakalungkot ngayon ng bayang dati'y puspos ng galak at awitan, ang dating masayang bayan. 26 Kaya nga, mabubuwal sa kanyang lansangan ang mga binata, at magiging malamig na bangkay ang lahat ng kanyang mandirigma sa araw na iyon. 27 Tutupukin ko ang pader ng Damasco, maging ang mga palasyo ni Haring Ben-hadad.”
Read full chapter
Zacarias 9:1
Magandang Balita Biblia
Ang Parusa sa mga Bansa sa Paligid
9 Ito(A) (B) ang ipinapasabi ni Yahweh: “Itinakda ko na ang parusa sa lupain ng Hadrac at sa lunsod ng Damasco. Ang mga lunsod ng Aram ay akin, kung paanong ang lahat ng lipi ni Israel ay akin.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.