Genesis 6:3
Ang Biblia (1978)
3 At sinabi ng Panginoon, (A)Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man, (B)sapagka't siya ma'y laman: gayon ma'y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang mga araw.
Read full chapter
Genesis 6:5
Ang Biblia (1978)
5 At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, (A)at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati.
Read full chapter
Genesis 6:13-14
Ang Biblia (1978)
Si Noe ay pinagawa ng Daong.
13 At sinabi ng Dios kay Noe, (A)Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko; sapagka't ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila'y aking lilipuling kalakip ng lupa.
14 Gumawa ka ng isang sasakyang kahoy na gofer; gagawa ka ng mga silid sa sasakyan, at iyong sisiksikan sa loob at sa labas ng sahing.
Read full chapter
Mateo 24:37-39
Ang Biblia (1978)
37 (A)At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
38 Sapagka't gaya ng mga araw (B)bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong,
39 At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978