Genesis 12:8
Ang Biblia (1978)
8 At mula roon ay lumipat siya sa bundok na nasa silanganan ng Bethel, at doon niya itinayo ang kaniyang tolda, na nasa kalunuran ang Bethel, at nasa silanganan ang Hai: (A)at siya'y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon, at sinambitla ang pangalan ng Panginoon.
Read full chapter
Genesis 13:3
Ang Biblia (1978)
3 At nagpatuloy si Abram ng kaniyang paglalakbay mula sa Timugan hanggang sa Bethel, hanggang sa dakong kinaroroonan noong una ng kaniyang tolda sa pagitan ng Bethel at ng Hai;
Read full chapter
Genesis 13:18
Ang Biblia (1978)
18 At binuhat ni Abram ang kaniyang tolda, at yumaon (A)at tumahan sa mga punong encina ni Mamre na (B)nasa Hebron, at siya'y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon.
Read full chapter
Genesis 18:1
Ang Biblia (1978)
Tatlong Anghel ay dumalaw kay Abraham.
18 At napakita ang Panginoon sa kaniya sa mga punong encina ni (A)Mamre, habang siya'y nakaupo sa pintuan ng tolda, ng kainitan ng araw.
Read full chapter
Genesis 18:9
Ang Biblia (1978)
Ang pangako sa panganganak ay inulit.
9 At sinabi nila sa kaniya, Saan naroon si Sara na iyong asawa? At sinabi niya (A)Narito, nasa tolda.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978