Add parallel Print Page Options

At napakita ang Panginoon kay Abram, at nagsabi, (A)Sa iyong lahi ay ibibigay ko ang lupaing ito: at siya'y nagtayo roon ng isang dambana sa Panginoon na napakita sa kaniya.

Read full chapter

15 Sapagka't ang buong lupaing iyong natatanaw (A)ay ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi magpakaylan man.

Read full chapter

At sinabi sa kaniya, (A)Ako ang Panginoon na nagpaalis sa iyo sa Ur ng mga Caldeo, upang ibigay sa iyo ang lupaing ito na manahin mo.

Read full chapter

18 Nang araw na yaon, ang Panginoon ay (A)nakipagtipan kay Abram, na nagsabi, (B)Sa iyong binhi ibinigay ko ang lupaing ito, mula sa ilog ng Egipto hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates.

Read full chapter

At aking (A)pararamihin ang iyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito: (B)at pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa;

Read full chapter

13 (A)At, narito, ang Panginoon ay nasa kataastaasan niyaon, at nagsabi, (B)Ako ang Panginoon, ang Dios ni Abraham na iyong ama, at ang Dios ni Isaac: (C)ang lupang kinahihigaan mo ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong binhi;

Read full chapter

11 At sinabi sa kaniya ng (A)Dios, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat; ikaw ay lumago at dumami ka; (B)isang bansa at isang kapisanan ng mga bansa ang magmumula sa iyo, at mga hari ay lalabas sa iyong balakang;

12 (C)At ang lupaing ibinigay ko kay Abraham at kay Isaac, ay ibibigay ko sa iyo, at sa iyong lahi pagkamatay mo ay ibibigay ko ang lupain.

Read full chapter