Font Size
Ecclesiastico 6:7-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ecclesiastico 6:7-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 Bago ka makipagkaibigan kaninuman, subukin mo muna siya,
at huwag mo siyang pagtitiwalaan agad.
8 Sapagkat may mga kaibigang mapagsamantala
na di mo maaasahan sa oras ng pangangailangan.
9 May kaibigang hindi nagtatagal at nagiging kaaway mo,
at ibubunyag pa niya ang pagkakagalit ninyo, palalabasin ka pa niyang kahiya-hiya.
10 Mayroon ding kaibigang kasalu-salo mo sa pagkain,
ngunit pababayaan ka sa oras ng kagipitan.