Add parallel Print Page Options

Kaligayahan ng Marunong

20 Mapalad(A) ka, O tao, kung binubulay mo ang Karunungan,
    at nangangatuwiran ka nang may katalinuhan.
21 Mapalad ka kung pinag-aaralan mo ang kanyang mga tuntunin,
    at sinasaliksik ang kanyang mga lihim.
22 Mapalad ka kung nagmamanman ka sa kanya na parang isang mangangaso,
    at nag-aabang sa kanyang daraanan.
23 Mapalad ka kung sumisilip ka sa kanyang mga durungawan,
    at nakikinig ka sa kanyang mga pintuan.
24 Mapalad ka kung naninirahan ka sa kanyang piling;
    sa kanyang mga muog nagbabaon ng tulos ng tolda,
25 at nagtatayo ng tolda sa tabi ng kanyang bahay—
    ang pinakamainam na lugar upang tirahan ng tao.
26 Sa lilim ng Karunungan palalakihin mo ang iyong mga anak,
27 siya ang magiging kanlungan mo sa init ng araw,
    at maninirahan ka sa kanyang kaningningan.

Read full chapter