Font Size
Ecclesiastico 12:4-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ecclesiastico 12:4-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Tulungan mo ang mga taong may takot sa Diyos, huwag ang mga makasalanan.
5 Gawan mo ng mabuti ang mababang-loob; huwag mong bigyan ng anuman ang palalo.
Huwag mo siyang bibigyan ng pagkain;
gagamitin lamang niya ang kabaitan mo laban sa iyo.
Patung-patong na kapinsalaan ang sasapitin mo,
bilang ganti sa kabutihang ginawa mo sa kanya.
6 Pati ang Kataas-taasang Diyos ay napopoot sa makasalanan,
at paparusahan niya sila sa takdang panahon.
7 Ang bigyan mo ay ang mabubuting tao, at huwag mong tulungan ang mga makasalanan.