Deuteronomio 29:23
Ang Biblia (1978)
23 At ang buong lupaing yaon ay asupre, (A)at asin, at sunóg, na hindi nahahasikan, at walang ibubunga, ni walang tumutubong damo, na (B)gaya ng nangyari sa pagkagiba ng Sodoma at Gomorra, Adma at Seboim, na giniba ng Panginoon sa kaniyang kagalitan at sa kaniyang maningas na pagiinit;
Read full chapter
Isaias 13:19
Ang Biblia (1978)
19 At ang Babilonia, ang (A)kaluwalhatian ng mga kaharian, ang (B)ganda ng kapalaluan ng mga Caldeo, ay magiging gaya (C)nang gibain ng Dios ang Sodoma at Gomorra.
Read full chapter
Jeremias 29:16
Ang Biblia (1978)
16 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa hari na (A)nauupo sa luklukan ni David, at tungkol sa buong bayan na tumatahan sa bayang ito, sa inyo ngang mga kapatid na hindi nagsilabas na kasama ninyo sa pagkabihag;
Read full chapter
Jeremias 50:40
Ang Biblia (1978)
40 Kung paanong sinira (A)ng Dios ang Sodoma at Gomorra at ang mga kalapit bayan ng mga yaon, sabi ng Panginoon, gayon hindi tatahan doon ang sinoman, o tatahan man doon ang sinomang anak ng tao.
Read full chapter
Ezekiel 16:49-50
Ang Biblia (1978)
49 Narito, ito ang kasamaan ng iyong kapatid na babae na Sodoma; (A)kapalaluan, kayamuan sa tinapay, at ang malabis na kapahingahan ay nasa kaniya at sa kaniyang mga anak na babae; at hindi man niya pinalakas ang kamay ng dukha at mapagkailangan.
50 At sila'y palalo at (B)gumawa ng kasuklamsuklam sa harap ko: kaya't aking (C)inalis sila, ayon sa aking minagaling.
Read full chapter
Amos 4:11
Ang Biblia (1978)
11 Aking ibinuwal ang iba sa inyo, (A)gaya nang ibuwal ng Dios ang Sodoma at Gomorra, at kayo'y naging gaya ng (B)dupong na naagaw sa apoy: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978