Deuteronomio 26:2
Magandang Balita Biblia
2 kumuha(A) kayo ng unang bunga ng inyong mga pananim. Ilagay ninyo iyon sa isang basket at dalhin sa lugar na pipiliin ng Diyos ninyong si Yahweh na kung saan ay sasambahin ang kanyang pangalan.
Read full chapter
Exodo 34:26
Magandang Balita Biblia
26 “Dadalhin(A) ninyo bilang handog sa bahay ni Yahweh na inyong Diyos ang inyong mga pinakamainam na unang ani ng inyong bukirin.
“Huwag kayong maglalaga ng tupa o batang kambing sa gatas ng sarili nitong ina.”
Read full chapter
Deuteronomio 14:21
Magandang Balita Biblia
21 “Huwag(A) ninyong kakainin ang anumang hayop na basta na lamang namatay. Maaari ninyo itong ibigay o ipagbili sa mga dayuhang naninirahang kasama ninyo. Ito'y sa dahilang kayo'y sambayanang inilaan sa Diyos ninyong si Yahweh.
“Huwag kayong maglalaga ng tupa o batang kambing sa gatas ng sarili nitong ina.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.