Daniel 9:27
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
27 Ang(A) haring ito'y gagawa ng isang matibay na kasunduan sa maraming tao sa loob ng isang linggo.[a] Pagkaraan ng kalahating linggo,[b] papatigilin niya ang paghahandog. Ilalagay niya sa itaas ng Templo ang kasuklam-suklam na kalapastanganan. Mananatili ito roon hanggang sa wakasan ng Diyos ang naglagay nito.”
Read full chapter
Daniel 11:31
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
31 Magpapadala(A) siya ng mga hukbong sandatahan upang lapastanganin ang Templo. Ipapatigil niya ang araw-araw na paghahandog at ipapalit ang kasuklam-suklam na kalapastanganan.
Read full chapter
Daniel 12:11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
11 Lilipas(A) ang 1,290 araw mula sa panahon na papatigilin ang araw-araw na paghahandog at ilalagay ang kasuklam-suklam.
Read full chapter
1 Macabeo 1:54
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
54 Nang(A) taóng 145, ikalabing limang araw ng ikasiyam na buwan, si Haring Antioco ay nagpagawa ng rebultong tinatawag na “Kalapastanganang Walang Kapantay” sa altar na pinagsusunugan ng mga handog. Nagpatayo rin siya ng mga altar ng pagano sa lahat ng lunsod sa palibot ng Judea.
Read full chapter
1 Macabeo 6:7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 Umabot(A) din sa kaalaman niya na inalis na ang tinatawag niyang “Kalapastanganang Walang Kapantay” na inilagay niya sa altar sa Jerusalem at ang Templo ay pinaligiran ng mataas na pader; pati ang kanyang lunsod ng Beth-sur ay nilagyan ng pader.
Read full chapter