Add parallel Print Page Options

31 Magpapadala(A) siya ng mga hukbong sandatahan upang lapastanganin ang Templo. Ipapatigil niya ang araw-araw na paghahandog at ipapalit ang kasuklam-suklam na kalapastanganan.

Read full chapter

11 Lilipas(A) ang 1,290 araw mula sa panahon na papatigilin ang araw-araw na paghahandog at ilalagay ang kasuklam-suklam.

Read full chapter

44 Kaugnay nito, nagpahatid ang hari ng liham sa Jerusalem at sa mga bayan ng Judea. Dito'y iniutos niyang ang dapat sundin ay ang kaugalian ng mga banyaga sa lupain. 45 Ipinagbawal niya ang paghahain ng mga handog na susunugin at handog na pagkain sa Templo. Iniutos niyang huwag nang pahalagahan ang Araw ng Pamamahinga at ang mga takdang kapistahan. 46 Iniutos din niyang huwag nang igagalang ang Templo at ang mga pari.[a] 47 Sa halip, mga baboy at iba pang maruruming hayop ang kanilang ihahandog, at dapat ang itatayo nila'y mga templo at mga altar ng pagano. 48 Ipinagbawal din niya ang pagtutuli sa mga batang lalaki. Dapat nilang gawing kasuklam-suklam ang kanilang sarili. 49 Sa ganitong paraan, malilimutan nila ang utos ng Diyos at ang dati nilang kaugalian. 50 Binantaan pa niyang ang sinumang lumabag sa utos ng hari ay papatayin.

Read full chapter

Footnotes

  1. 46 mga pari: o kaya'y mga banal na bagay .

54 Nang(A) taóng 145, ikalabing limang araw ng ikasiyam na buwan, si Haring Antioco ay nagpagawa ng rebultong tinatawag na “Kalapastanganang Walang Kapantay” sa altar na pinagsusunugan ng mga handog. Nagpatayo rin siya ng mga altar ng pagano sa lahat ng lunsod sa palibot ng Judea.

Read full chapter

Ang Kasuklam-suklam na Kalapastanganan(A)

15 “Kapag(B) nakita ninyong nagaganap na sa Dakong Banal ang kasuklam-suklam na kalapastanganang tinutukoy ni Propeta Daniel (unawain ito ng nagbabasa),

Read full chapter

Ang Kasuklam-suklam na Kalapastanganan(A)

14 “Kapag(B) nakita na ninyo ang kasuklam-suklam na kalapastanganan na nasa dakong di dapat kalagyan (unawain ito ng nagbabasa), ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papuntang kabundukan.

Read full chapter