Add parallel Print Page Options

19 Mula nang ang mga ninuno namin ay ilabas ng Panginoon sa Egipto hanggang ngayon, patuloy kaming sumusuway sa Panginoon naming Diyos. Nagpabaya kami at hindi siya pinakinggan. 20 Kaya(A) ngayon ay naghihirap kami. Nagaganap sa amin ang sumpa na ibinabala ng Panginoon sa pamamagitan ng lingkod niyang si Moises nang ang mga ninuno namin ay ilabas niya sa Egipto at dalhin sa isang lupaing mayaman at masagana sa lahat ng bagay. 21 Hindi namin pinakinggan ang mga salita ng Panginoon naming Diyos sa pamamagitan ng mga propetang isinugo niya. Ang sinunod nami'y ang masasamang hilig at panay kasamaan ang aming ginawa. Sumamba kami sa mga diyus-diyosan at ang ginawa namin ay pawang kinasusuklaman ng Panginoon naming Diyos.

Read full chapter