Apocalipsis 11:13
Ang Biblia, 2001
13 At(A) nang oras na iyon ay nagkaroon ng isang malakas na lindol, at nagiba ang ikasampung bahagi ng lunsod; may namatay sa lindol na pitong libong katao at ang mga iba ay natakot, at nagbigay ng luwalhati sa Diyos ng langit.
Read full chapter
Apocalipsis 16:18
Ang Biblia, 2001
18 At(A) nagkaroon ng mga kidlat, mga tinig, mga kulog, at malakas na lindol, na hindi pa nangyari kailanman mula nang magkaroon ng tao sa lupa, isang napakalakas na lindol.
Read full chapter
Isaias 13:10
Ang Biblia, 2001
10 Sapagkat(A) ang mga bituin ng langit at ang mga buntala nito,
ay hindi magbibigay ng kanilang liwanag;
ang araw ay magdidilim sa kanyang pagsikat,
at hindi ibibigay ng buwan ang kanyang liwanag.
Joel 2:10
Ang Biblia, 2001
10 Ang(A) lupa ay nayayanig sa harap nila,
ang langit ay nanginginig.
Ang araw at ang buwan ay nagdidilim
at ang mga bituin ay nawawalan ng kanilang kaningningan.
Joel 2:31
Ang Biblia, 2001
31 Ang(A) araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay magiging dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na araw ng Panginoon.
Read full chapter
Joel 3:15
Ang Biblia, 2001
15 Ang araw at ang buwan ay nagdidilim,
at pinipigil ng mga bituin ang kanilang pagningning.
Mateo 24:29
Ang Biblia, 2001
Ang Pagdating ng Anak ng Tao(A)
29 “At(B) pagkatapos ng paghihirap sa mga panahong iyon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kanyang liwanag, at mahuhulog ang mga bituin mula sa langit, at yayanigin ang mga kapangyarihan sa langit.
Read full chapter
Marcos 13:24-25
Ang Biblia, 2001
Ang Pagdating ng Anak ng Tao(A)
24 “Ngunit(B) sa mga araw na iyon, pagkatapos ng kapighatiang iyon, magdidilim ang araw at ang buwan ay hindi magbibigay ng kanyang liwanag,
25 at(C) malalaglag ang mga bituin mula sa langit, at mayayanig ang mga kapangyarihan sa mga langit.
Read full chapter
Lucas 21:25
Ang Biblia, 2001
Ang Pagdating ng Anak ng Tao(A)
25 “At(B) magkakaroon ng mga tanda sa araw, at buwan, at mga bituin, at sa lupa'y magkakaroon ng kahirapan sa mga bansa, na nalilito dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong.
Read full chapter