2 Samuel 7:13-14
Ang Biblia (1978)
13 (A)Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking (B)itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man.
14 (C)Ako'y magiging kaniyang ama, at siya'y magiging aking anak: kung siya'y gumawa ng kasamaan, aking sasawayin siya ng pamalo ng mga tao, at ng panghampas ng mga anak ng mga tao;
Read full chapter
1 Mga Hari 5:5
Ang Biblia (1978)
5 At, narito, ako'y tumalagang ipagtayo ng bahay ang pangalan ng Panginoon kong Dios, gaya ng sinalita ng Panginoon kay David na aking ama, na nagsasabi, Ang iyong anak na aking iuupo sa iyong luklukan na kahalili mo, siya ang (A)magtatayo ng bahay para sa aking pangalan.
Read full chapter
1 Cronica 17:12
Ang Biblia (1978)
12 Kaniyang ipagtatayo ako ng isang bahay, at aking itatatag ang kaniyang luklukan magpakailan man.
Read full chapter
1 Cronica 22:9-10
Ang Biblia (1978)
9 Narito, isang lalake ay ipanganganak sa iyo, na siyang magiging lalaking (A)mapayapa; at bibigyan ko siya ng kapahingahan sa lahat ng kaniyang mga kaaway sa palibot: sapagka't ang kaniyang magiging pangalan ay Salomon,[a] at bibigyan ko ng kapayapaan at katahimikan ang Israel sa kaniyang mga kaarawan:
10 Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan; at (B)siya'y magiging aking anak, at ako'y magiging kaniyang ama; at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian sa Israel magpakailan man.
Read full chapterFootnotes
- 1 Cronica 22:9 Sa makatuwid baga'y Payapa. 2 Sam. 12:24.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978