2 Cronica 5:12
Ang Biblia (1978)
12 Ang mga Levita rin naman na mga mangaawit, (A)silang lahat, sa makatuwid baga'y si Asaph, si Heman, si Jeduthun, at ang kanilang mga anak, at ang kanilang mga kapatid na (B)may suot na mainam na kayong lino, na may mga simbalo at mga salterio at mga alpa, ay nangakatayo sa dakong sulok na silanganan ng dambana, at kasama nila'y isang daan at dalawang pung saserdote na nagpapatunog ng mga pakakak:)
Read full chapter
2 Cronica 7:6
Ang Biblia (1978)
6 At ang mga saserdote ay nagsitayo ayon sa kanilang mga katungkulan; gayon din ang mga Levita na may mga panugtog ng tugtugin ng Panginoon, na ginawa ni David na hari na ipinagpasalamat sa Panginoon, (sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man), nang si David ay dumalangin sa pamamagitan ng kanilang pangangasiwa: at ang mga saserdote ay nangagpatunog ng mga pakakak sa harap nila, at ang buong Israel ay tumayo.
Read full chapter
2 Cronica 29:26
Ang Biblia (1978)
26 At ang mga Levita ay nagsitayo na may mga panugtog ni David, at ang mga saserdote na may mga pakakak.
Read full chapter
Mga Awit 81:3
Ang Biblia (1978)
3 Magsihihip kayo ng (A)pakakak (B)sa bagong buwan,
Sa kabilugan ng buwan, sa ating dakilang kapistahan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978