1 Samuel 18:17
Ang Biblia (1978)
Ipinakipagtipan si Merab kay David.
17 At sinabi ni Saul kay David, Narito ang aking lalong matandang anak na babae na si (A)Merab; siya'y aking ibibigay sa iyo na (B)asawa: magpakatapang ka lamang dahil sa akin, at iyong ilaban ang mga (C)pagbabaka ng Panginoon. Sapagka't sinabi ni Saul, (D)Huwag pagbuhatan siya ng aking kamay, kundi ang kamay ng mga Filisteo, ang magbuhat sa kaniya.
Read full chapter
1 Samuel 25:28
Ang Biblia (1978)
28 Isinasamo ko sa iyo na iyong ipatawad ang pagkasalangsang ng iyong lingkod: (A)sapagka't tunay na gagawin ng Panginoon ang aking panginoon ng isang sangbahayan na tiwasay, sapagka't (B)ibinabaka ng aking panginoon ang mga pagbabaka ng Panginoon; at ang kasamaan ay hindi masusumpungan sa iyo sa lahat ng iyong mga araw.
Read full chapter
2 Cronica 20:15
Ang Biblia (1978)
15 At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo, buong Juda, at ninyong mga taga Jerusalem, at ikaw na haring Josaphat: ganito ang sabi ng Panginoon sa inyo, Huwag kayong mangatakot, o manglupaypay man dahil sa malaking karamihang ito; (A)sapagka't ang pakikipagbaka ay hindi inyo, kundi sa Dios.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978