1 Samuel 15:24
Ang Biblia (1978)
24 At sinabi ni Saul kay Samuel, Ako'y nagkasala; sapagka't (A)ako'y sumalangsang sa utos ng Panginoon, at sa iyong mga salita; sapagka't ako'y natakot sa bayan, at sumunod sa kanilang tinig.
Read full chapter
1 Samuel 15:30
Ang Biblia (1978)
30 Nang magkagayo'y kaniyang sinabi, Ako'y nagkasala: gayon ma'y parangalan mo ako ngayon, isinasamo ko sa iyo, sa harap ng mga matanda ng aking bayan at sa harap ng Israel, at (A)bumalik ka uli na kasama ko upang aking sambahin ang Panginoon mong Dios.
Read full chapter
1 Samuel 26:21
Ang Biblia (1978)
21 Nang magkagayo'y sinabi ni Saul, (A)Ako'y nagkasala: bumalik ka, anak kong David: sapagka't hindi na ako gagawa ng masama sa iyo, sapagka't ang aking buhay ay mahalaga sa iyong mga mata sa araw na ito: narito, ako'y nagpakamangmang, at ako'y nagkamali ng di kawasa.
Read full chapter
2 Samuel 12:13
Ang Biblia (1978)
13 (A)At sinabi ni David kay Nathan, (B)Ako'y nagkasala laban sa Panginoon. At sinabi ni Nathan kay David, (C)Inalis din ng Panginoon ang iyong kasalanan; hindi ka mamamatay.
Read full chapter
Job 34:32
Ang Biblia (1978)
32 Yaong hindi ko nakikita ay (A)ituro mo sa akin:
Kung ako'y nakagawa ng kasamaan hindi ko na ito gagawin pa?
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978