1 Mga Hari 18:38
Ang Biblia (1978)
38 Nang magkagayo'y ang apoy ng Panginoon ay (A)nalaglag, at sinupok ang handog na susunugin at ang kahoy, at ang mga bato, at ang alabok, at hinimuran ang tubig na nasa hukay.
Read full chapter
2 Mga Hari 1:10
Ang Biblia (1978)
10 At si Elias ay sumagot, at nagsabi sa punong kawal ng lilimangpuin: Kung ako'y lalake ng Dios, (A)bumaba ang apoy na mula sa langit, at sakupin ka at ang iyong limangpu. At bumaba ang apoy na mula sa langit, at sinupok siya at ang kaniyang limangpu.
Read full chapter
2 Mga Hari 1:12
Ang Biblia (1978)
12 At si Elias ay sumagot, at nagsabi sa kanila, Kung ako'y lalake ng Dios, bumaba ang (A)apoy na mula sa langit, at supukin ka at ang iyong limangpu. At ang apoy ng Dios ay bumaba na mula sa langit, at sinupok siya at ang kaniyang limangpu.
Read full chapter
Lucas 9:54
Ang Biblia (1978)
54 At nang makita ito ng mga alagad niyang (A)si Santiago at si Juan, ay nangagsabi, Panginoon, ibig mo bagang magpababa tayo ng apoy mula sa langit, at sila'y pugnawin?
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978