Isaias 17:1-3
Magandang Balita Biblia
Paparusahan ng Diyos ang Damasco at ang Israel
17 Ganito(A) ang pahayag ni Yahweh tungkol sa Damasco:
“Mawawala ang Lunsod ng Damasco,
at magiging isang bunton na lamang ng mga gusaling gumuho.
2 Kailanma'y wala ng titira sa mga lunsod ng Siria.
Magiging pastulan na lamang siya
ng mga kawan ng mga tupa at baka at walang mananakot sa kanila.
3 Mawawasak ang mga tanggulan ng Efraim,
babagsak ang kaharian ng Damasco.
Matutulad sa sinapit ng Israel ang kapalarang sasapitin ng malalabi sa Siria.”
Ito ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.
Amos 1:3-5
Magandang Balita Biblia
Paghatol sa mga Karatig-bansa ng Israel
Sa Siria
3 Ganito(A) ang sabi ni Yahweh:
“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Damasco,
kaya sila'y paparusahan ko.
Pinagmalupitan nila ang Gilead,
dinurog nila ito sa giikang bakal.
4 Susunugin ko ang palasyo ni Hazael,
at tutupukin ko ang mga tanggulan ni Ben-hadad.
5 Wawasakin ko ang pintuan ng Lunsod ng Damasco;
pupuksain ko ang mga taga libis ng Aven,
pati ang may hawak ng setro sa Beth-eden;
ang mga taga-Siria naman ay dadalhing-bihag sa Kir.”
Zacarias 9:1
Magandang Balita Biblia
Ang Parusa sa mga Bansa sa Paligid
9 Ito(A) (B) ang ipinapasabi ni Yahweh: “Itinakda ko na ang parusa sa lupain ng Hadrac at sa lunsod ng Damasco. Ang mga lunsod ng Aram ay akin, kung paanong ang lahat ng lipi ni Israel ay akin.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.